It is our wish that Christmas is truly in your hearts. Our goal as a Federation of Cooperatives is to always contribute to your happiness and well-being. Ang nasa puso namin ay bigyan kayo ng sapat na aruga para maging matiwasay at masigla ang ating kinabukasan. Makakamit natin ito kung tayo ay may nagkakaisang layunin. Lahat tayo ang lunas—hindi lamang kaming mga namumuno, kundi pati kayong mga ka-miyembro—sa patuloy at katangi-tanging pag-unlad ng ating Cooperative. Ito ay para sa ating lahat.
Bawat isa, mahalaga!
Ang inyong Cooperative ay nasa maayos na kalagayan sa kabila ng mga suliraning pinagdaanan ngayong nakalipas na taon. Ito ay bunga ng ating kapit-bisig na paghakbang tungo sa matatag na pamamalakad at masusing pagsasaayos ng ating mga proseso. Ipagpatuloy natin ito upang madama ng lahat ang mas malawakang kagalingan ng ating samahan. Walang ibang magiging susi sa ating magandang hinaharap kundi ang patuloy nating pagkakaisa.
Let us be proud, because we have every reason to be. We are one of the best Federations of Cooperatives in the country, and you all have made it possible.
Ngayong Bagong Taon, taas-noo at diretso ang ating tindig dahil hindi tayo nagpabaya at tayo ay nagsumikap para sa progreso ng ating Cooperative. Patuloy nating bigyang-buhay ang ating prinsipyo: Everyone Matters.
We win as a Team!
Isang mapagpala at katangi-tanging Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!
Dec 19, 2025
Dec 11, 2025
Dec 05, 2025
Stay informed about industry trends, company announcements, and exclusive offers.
1st Workers Center, No.70 San Rafael St. Brgy. Kapitolyo, Pasig City, Metro Manila, Philippines
marketing@tipon.coop